Maaaring subukan ng Valorant players ang kanilang gilas sa paglalaro ng competitive mode. Ito ang nagiisang paraan para makakuha ng rank sa laro.

Ang Valorant rank mo ang nagsasalamin sa kakayahan mong mag-aim, ang talas ng iyong skills at team work, gayundin ang husay ng iyong taktika.

Zedd Spectrum Phantom skin by Amado Crafts
Credit: Amado Crafts
Nakakita ka na ba ng Zedd Spectrum Phantom sa totoong buhay?

Ang nag-iisang paraan para maka-akyat ng ranks ay manalo ng laro.

Sa pinakahuling tala, may siyang na Valorant ranks, kung saan ang walo ay hinati pa sa tatlong tiers.

Hihimayin ng ONE Esports guide na ito ang competitive structure ng popular na first-person shooter game.

Pagkakasunod-sunod ng Valorant ranks

Lahat ng Valorant Ranks
Credit: Riot Games

Ang Valorant rank mo ang nagdidikta ng iyong skill level at match rank. Makikita ito ng party mo sa tab menu at sa summary scoreboards.

Sa kabilang banda, ang Act rank naman ang nagsasalamin sa iyong performance sa kabuuan ng Act at didiktahan ng pinakamataas mong ranked panalo.

Paano gamitin ang Iso ultimate sa Valorant upang manalo palagi sa 1v1

Heto ang pagkakasunod-sunod ng Valorant ranks

  • Iron
  • Bronze
  • Silver
  • Gold
  • Platinum
  • Diamond
  • Ascendant
  • Immortal
  • Radiant

Ang bawak rank, liban sa radiant, ay may tigatlong tiers.

Mas mataas ang tier number, mas mataas ang iyong rank. Magbabase sa iyong rank ang makukuha mong Act Rank.

Paano maglaro ng ranked game sa Valorant kasama ang iyong party

Agent ranks sa warm up ng Valorant
Credit: ONE Esports, Riot Games

May kakayahan kang mag-queue bilang isang grupo kung hindi masyadong malayo ang rank mo sa mga kasmaa mo. Ang party na may dalawa o tatlong players ay maaaring sumali sa competitive matches sa loob ng designated rank range.

LOWEST RANK IN A PARTYHIGHEST RANK IN A PARTY
Iron and BronzeSilver
SilverGold
GoldPlatinum
Platinum, Diamond, Ascendant, Immortal, and RadiantExactly 1 tier higher max
(Example: Platinum 2 can queue with up to Diamond 2)

Samantala, wala namang ranked restrictions ang five-man party. Gayunpaman, kung may player sa grupo na kabilnagg sa Iron hanggang Ascendant, may penalty ang iba pang player sa kanilang Rank Rating (RR).

Valorant Leo Fnatic Masters Tokyo
Credit: Colin Young-Wolff/Riot Games
Leo Valorant settings at gear: Keybinds, crosshair, PC, monitor, mouse setup 

Halimbawa, walang matatanggap na RR penalties ang five-stack team na binubuo lamang ng Silver at Gold players. Ngunit kung halong Silver, Gold, at Ascendant players ang maglalaro, ay may karampatang RR penalties ito.

Mainam na ang Immortal 1 ranked players pataas ay maaari lamang sumali sa solo, duo at five-stack ranked matches.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Perpektong Valentine’s Day  story ang duo queue goal nina TenZ at Kyedae