Marami ang nalilito sa ranked MMR ng Valorant at nagtataka kung paano ba talaga ito kinakalkula.

Bakit mas maraming nakukuhang RR ang ka-duo mo? Bakit hard stuck ka pa rin sa Gold? Marami sa mga ito ay may kinalaman sa kung gaano k aka-consistent in-game, ayon kay Jonathan “EvrMoar” Walker, Senior Competitive Designer ng Valorant.

Ayon sa kanya, ang pagiging consistent ay maaaring mag-ambag sa pakiramdam ng pagiging hard stuck, dahil sa pagiging stable ang iyong MMR ay magiging mahirap itong galawin.

Malaking parte ang consistency sa kung gaano kabilis tumaas ang iyong MMR sa ranked

Valorant Ranked MMR Episode 5 Hard Stuck
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Isa sa mga pinaniniwalaan ng marami ay mas mahirap pataasin ang mga mas lumang accounts dahil mas marami na itong matches na nalaro, kung kaya’t mas mahirap nang mahabol ang average MMR. Hindi ito totoo, ayon kay EvrMoar.

Sa halip, isinasaalang-alang ng ranked system ng Valorant kung gaano ka ka-consistent, na tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng iyong performance, at hindi ang pangkabuuang dami ng iyong mga matches.

Nang ikumpara ng Riot ang mga bagong alternate accounts sa mga main accounts ng user, napag-alamang karamihan sa mga secondary accounts ay halos abutan na ang MMR ng mga main accounts. Gayunpaman, hindi ito nakikita sa aktwal na rank ng account, dahil kadalasan ay tumitigil sa paglalaro ang mga players gamit ang mga ito.

“If you are performing as expected, your variance will shrink, which makes your MMR harder to move,” sabi ni EvrMoar sa Twitter.

“But if you start performing outside of expectations your variance opens up and makes your MMR move fast. This is replacing the idea of total matches played MMR average.”

Kung ang performance mo ay mas mahusay kaysa inaasahan at nananalo ka, mas nmabilis tataas ang MMR mo, na nangangahulugang mas maraming RR na makukuha. Maaari ka pang makakuha ng double rank-up kung ang MMR mo ay mas mataas nang tatlong ranks kaysa sa kasalukuyan mong rank.

“This is why win-streaking, and why winning duels against higher-ranked players, really helps you climb,” paliwanag niya.

Sa kabilang banda, kung ang performance mo ay gaya lang lagi ng inaasahan, maaari mong mararamdaman na mas nakakapagod ang grind dahil kakailanganin mo ng mas maraming wins upang makakita ng pagbabago sa iyong MMR.

Pagkatapos ng lahat, kapag naisip ng system na tumutugma ang iyong rank sa iyong MMR, magiging pareho lang ang nakukuha at nawawalang MMR sa tuwing ikaw ay mananalo o matatalo – ang mismong kahulugan ng pagiging hard stuck.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.