North America ang naghari sa Day 2 ng VCT Stage 2 Masters matapos pataubin ng Version1 ang Team Liquid, at ng walisin ng Sentinels ang Fnatic sa upper bracket ng torneyo.

Mahigit isang taon ding pinagtatalunan ng parehong pro players at fans kung sino nga ba talaga ang mas magaling na region. Nasagot ito matapos ang dominanteng pagkapanalo ng nasabing NA teams sa kanilang mga matchups.

Ganito nilaglag ng Version1 at ng Sentinels ang kanilang mga kalaban.

NA equals clutch

Muling napatunayan ng Version1 at Sentinels na tunay nga ang katwiran ni Loic “effys” Sauvageau na sinabing mas maraming experience ang North American pros sa mga cluth na sandali ng laro.

Bagamat Europe ang nakakuha ng first blood sa mathchup, mabilis na nabaliktad ng Version1 ang daloy ng laro sa pamamagitan ng mahusay na team coordination kasama pa ang high-level na individual skills na tumulong sa kanila para kuhanin ang 2-1 laban sa Liquid.

Dito rin ipinakita ng 18-anyos na prodigy na si Erik “penny” Penny ng Version1 na walang dudang siya ang pinakamahusay na Jett player sa tournament na ito.

Parehong clutch ang Version1 at Sentinels sa kani-kanilang laban na nagbigay daan sa kanila para makakuha ng crucial round wins at momentum habang patuloy ang laro.

Ipinamalas nila Jordan “Zellsis” Montemurro ng Version1 at Tyson “TenZ” Ngo ng Sentinels ang kanilang henyo na nagpatunay na hindi sila takot sa big stage.

Mapanganib na pocket strats ang handa ng NA teams

Di maikakailang ang paghaharap ng Version1 at Liquid ang pinaka-kapanapanabik na laban sa VCT Stage 2 sa ngayon. Bagamat ito ay isa sa mga inaasahang matchup, inamin ni Adil “ScreaM” Benrlitom ng Team Liquid na hindi sila handa sa supresang agent composition ng kabilang kupunan.

Sa unang araw ng competition, ginamit ng Version1 ang two duelist composition (Jett at Phoenix) para patumbahin ang Crazy Raccoons.

Kaya naman umasa ang Team Liquid na ito rin ang isasalang ng Version1 sa kanilang anticipated matchup. Hindi ito ang nangyare. Nagulantang sila ng Version1 sa pamamagitan ng pag-switch kay Zellsis mula kay Phoenix papunta kay Killjoy kaya naman nalito ang Team Liquid. Hindi nila inaasahang isa lang ang duelist ng kalabang NA team.

Ayon kay TenZ ng Sentinels, hindi masyadong epektibo ang no-duelist composition ng EU teams. . “I think the overly tactical gameplay EU is trying to produce, such as zero duelist comps, isn’t as effective as you think.”

Dagdag nya na importante ang pagkakaroon ng duelist sa kahit anong composition. “It might sound good on paper, but it isn’t that good, because individuals can pop off on duelists like Phoenix and Jett. The impact duelists have is really important, plus getting entry kills with their utility.” 

Malaking factor ang mental fortitude ng NA teams

Isa sa mga pasabog ng sandali ng Day 2 ang engkwentro sa pagitan nina Version1 team captain Anthony “vanity” Malaspina at ni Dom “soulcas” Sulcas ng Team Liquid.

Maasim ang attempt ni Soulcas na makakuha ng mas maraming kills matapos ang matagumpay na lurk play, kaya naman sinuklian ito ni Vanity ng isang malupit na 180-degree flick na pumaslang sa pag-asa ng Liquid para manalo.

Sa post-game press conference, batid ni vanity ang impact ng nagawa nyang play. “After I killed Soulcas in that round, I knew he was out of the game mentally. He was sitting behind me and I backed up into him, then flicked and one-bulleted him.”

“After that, he was tilted, and it showed. Considering the [no-duelist agent] comp they ran, they only won two rounds on defense, which included the pistol round win.”

Kills: Phantom > Vandal

Isa pang hindi masyadong nabibigyang pansin ng factor sa pagkapanalo ng NA pros ang Valorant rifle meta.

Kung mapapansin, parehong umaasa ang Version1 at Sentinels sa Phantom. Sa kabilang banda naman, Vandal ang palaging choice ng Team Liquid at Fnatic. Bagamat parehong epektibo ang dalawang arms sa pagkuha ng kills, mapapansin na mas maraming duels ang naipapanalo ng NA players sa Phantom.

Sasabak muli ang Sentinels sa Team Vikings ng Brazil sa May 27. Ang Version1 naman ay makikipagbakbakan sa NUTURN Gaming ng Korea sa May 28.