Isang madalas na pick si Vale para sa mga midlaners sa Mobile Legends: Bang Bang. Madali lang siyang matutunan, lalo na ang kaniyang combo, na kayang makahuli ng limang heroes gamit ang kaniyang ultimate na Windstorm. 

Hindi maitatanggi na isa siya sa best team fight initiators sa Land of Dawn. Siya ang ikawalong pinakasikat na hero sa lahat ng ranggo, ayon sa MLBB stats

Habang isa siyang sakit sa ulo, may isa siyang kahinaan—wala siyang mobility skills. Ito ang tatlong midlane heroes na pwede mong gamitin para ma-shut down ang Windtalker sa Mobile Legends. 

3 mage heroes na pangontra kay Vale sa Mobile Legends 

Kadita

Mobile Legends: Bang Bang Hydromancer Kadita skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Isang safe pick si Kadita kung kalaban mo si Vale sa midlane, dahil mahusay ang Ocean Goddess sa pagparusa ng mga heroes na walang mobility skills. Kahit na wala itong core items, ang isang simpleng combo na Breath of the Ocean, Ocean Oddity, at Rough Waves ay sapat na para mapatumba ang kahit sino mang nahuli ng blast. 

Kung nahuli man ni Vale si Kadita gamit ang Windblow, makakatakas ito gamit ang kaniyang Ocean Oddity habang naipapabalik ang kaniyang HP salamat sa passive niyng Thalassophobia. Kaya naman hindi na kailangan bumuo ng Winter Truncheon si Kadita sa matchup na ito. 

Nagbibigay ito sa kaniya ng advantage dahil makaka-pokus siya sa pagbuo ng kaniyang offensive magic items tulad ng Blood Wings o Glowing Wand. Isang mahirap ma-master na hero si Kadita, ngunit mahalaga ito kung si Vale ang kalaban mo sa ranked match. 

Selena

Mobile Legends: Bang Bang S.T.U.N. Selena skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Si Selena ang isa sa pinakamalakas na mage heroes sa midlane kapag na-master mo na ang kaniyang skill combos. Kaya niyang magdulot ng damage mula sa malayo at mapahirapan ang mga heroes na walang mobility sa laning phase. 

Hindi makakapag-set up ng plays si Vale, dahil gagamitan ito ni Selena ng Abyssal Arrow para mapigilan siya makabuo ng combo. Madalas nagtatago muna sa bush ang mga Vale players at magaantay ng isang kalaban na lumapit bago mag-cast ng kanilang skills. Ngunit kaya pigilan ni Selena si Vale na gawin ito gamit ang kaniyang Abyssal Traps, na naghahatid ng vision. 

Ang pinakamalaking hadlang na haharapin mo ay kung ang enemy team ay mayroong agresibong roamer tulad ni Franco o Atlas. Dahil isa sa pinaka-squishy na heroes si Selena, mainam na bumuo ng Clock of Destiny at Winter Truncheon muna para maka-survive. 

Kagura

The Exorcist skins Exorcist Kagura
Credit: Moonton Games

Si Kagura ay isa sa pinaka-rewarding na heroes na ma-master sa laro. Ang kaniyang mobility at damage output ay matindi laban sa karamihang midlane heroes sa Land of Dawn. Totoo ito kung ang kaharap mo ang mga heroes na umaasa sa crowd control, tulad ni Vale. 

Maari niyang ma-kansela ang Windblow at makapag-counterattack gamit ang Seimei Umbrella at Yin Yang Overturn. Ang kaya niya lang gawin sa sitwasyong ito ay sunugin ang kung ano mang Battle Spell na mayroon siya. Maaring makatakas pa siya sa early game, ngunit ang combo ni Kagura ay halos isa nang sure kill sa mid hanggang late game. 

Kung kaharap mo ay isang defensive Vale player, hintayin siyang gumamit ng Windblow o Windstorm bago pumasok sa isang team fight. Mainam na ideya ring kumuha ng Athena’s Shield kung nasa likod ka ng lane matchup, dahil makakatulong itong mabawasan ang burst damage.  

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa Mobile Legends. 

BASAHIN: MLBB 101: Ang Roam na role, mga dapat gawin, at mga hero para dito