‘Wag nang matakot, dahil nandito na ang best builds para kay Zhongli. 

Nagbabalik si Zhongli sa Genshin Impact sa kaniyang pangatlong banner run, at handa na gastusin ng mga players ang kanilang primogems at iwshes sa Geo heartthrob na ‘to. 

Kilala ang top-tier character na ito dahil sa kaniyang iba’t-ibang kit na sumusuporta sa parehas na DPS at support playstyles, ngunit paano nga ba siya I-build? 

Ito ang isang quick guide para sa best Zhongli builds sa Genshin Impact, kasama na ang isang rundown ng kaniyang best talents ,weapons, at artifacts. 

Talent overview ni Zhongli sa Genshin Impact

Ito ang isang quick overview ng lahat ng mga talento niya na binanggit sa Zhongli best build guide: 

TALENT TALENT INFORMATION 
Elemental skill talent: Dominus Lapidis Press: Gumagawa ng Stone Steele na nagdudulot ng AoE Geo DMG 
 
Hold: Gumagawa ng Stone Steele at isang jade shield na naka-base sa max HP ni Zhongli 
Elemental burst talent: Planet Befall Nagdadala ng meteor sa lupa at nagdudulot ng AoE Geo DMG at nagbibigay ng Petrify sa lahat ng targets 
Passive talent: Dominance of Earth (Unlocked at fourth ascension) Nagdudulot si Zhongli ng bonus DMG base sa max HP 
– Normal, Charged, Plunging na pinataas nang 1.39% 
– Dominus Lapidis DMG ay tumaas nang 1.9% 
– Planet Befall DMG ay tumaas nang 33% 

Best artifacts para kay Zhongli sa Genshin Impact 

Physical DPS Zhongli best build (Pale Flame) 

Genshin Impact Zhongli build Pale Flame
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Bihira lang makakita ng pisikal na DPS Zhongli, ngunit maganda ito gamitin para makatalo ng mga kawan ng kalaban gamit ang isang polearm combo. 

Sa Zhongli best build na ito, maari mong gamitin ang isang four-piece Pale Flame artifact set. Maliban sa pagpataas ng iyong physical damage nang 25% sa dalawang pieces, nagdadagdag ang full set ng isang kakaibang attack buff kapag ginagamit mo ang iyong elemental skill na Dominus Lapidis. 

Maari mong I-farm ang Pale Flame set sa Ridge Watch domain, na nasa timog lamang ng Dawn Winery. 

Shield Zhongli best build (Tenacity of Millelith)

Genshin Impact Zhongli build Tenacity of Millelith
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Maganda gamitin si Zhongli bilang meat shield ng party niyo. Maaring gamitan siya ng mga players ng isang four-piece Tenacity of Millelith set na magbibigay ng malaking boost sa HP at shield strength. 

Kapalit niyan, makakatulong din ang full set bolster sa jade shield ng Dominus Lapidis at maglalabas ito ng mas matinding defense sa bakbakan. 

Sa pagpili ng mga artifacts, ang best bet mo ay ang mag-equip ng mga HP at flat HP stats, dahil makakadagdag ito sa lakas ng jade shield mo. 

Maari mong I-farm ang Tenacity of Millelith set sa Ridge Watch domain na nasa parehas na lokasyon ng Pale Flame. 

Burst Zhongli best build (Emblem of Severed Fate, Noblesse Oblige/Archaic Petra) 

Genshin Impact Zhongli build Emblem of Severed Fate
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Kung naghahanap ka ng isang Zhongli best build na makakapagpatumba ng isang buong battlefield, ‘eto na siya. 

Nilalagay ng burst build ang lahat ng kaniyang artifact buffs sa Planet Befall. Ang go-to build ay isang four-piece Emblem of Severed Fate set, na hinahayaang mag-scale ang iyong burst damage kasabay ng Energy Recharge. 

Ang pag-diin ng ER ay hinahayaang maibalik ng mga players ang Planet Befall sa loob ng kaniyang 12-second cooldown at mai-cacast ito nang mas maraming beses kumpara sa ibang builds. 

Maari mong I-farm ang Emblem of Severed Fate artifact set sa Momiji-Dyed Court domain, na nasa hilagang-silangan ng Serpent’s Head sa Yashiori Island. 

Para sa isang mas standard damae buff sa Planet Befall, maari kang gumawa ng split artifact set ng Noblesse Oblige at Archaic Petra. 

Ang two-piece set ng Noblesse Oblige ay nagbibigay ng 20% na mas mataas na burst damage, habang ang two-piece Archaic Petra set ay nagbibigay ng 15% Geo damage bonus. 

Ang dalawang artifact types na ito ay maari ding gamitin bilang four-piece sets kung gusto mo maging mas malakas na support factor si Zhongli sa main DPS mo. 

Maari mong I-fam ang Noblesse Oblige sa Clear Pool at Mountain Cavern domain, na nasa hilagang-silangan ng Mt. Aocang, at Archaic Petra sa Domain of Guyun sa Guyun Stone Forest. 

Best weapons para kay Zhongli sa Genshin Impact 

Physical DPS Zhongli best build (Vortex Vanquisher) 

Genshin Impact Zhongli build Vortex Vanquisher
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

May rason kung bakit nakapares na banner weapon ang Vortex Vanquisher kay Zhongli. Tulad ng iba’t-ibang kit ng Geo user na ‘to, nagkukumplement ng Vortex Vanquisher ang parehas na playstyles ng DPS at support. 

Ang kaniyang passive, ang Golden Majesty, ay nagpapataas ng iyong attack nang 4% sa bawat tama sa kalaban. Naka-max ito sa five stacks at maaring maabot ng mga button smashers ang full 20% damage bonus sa isang mabilisang polearm combo. 

Ang weapon na ito ay nagpapataas din ng shield strength nang 20%, at nagbibigay ito ng mas mataas na tsiyansa na magwagi ang Liyue native na ito kapag nakikipaglaban sa maraming kalaban. 

Maari kang mag-wish para sa 5-star weapon na ito sa Epitome Invocation weapon event wish hanggang February 15. 

Shield Zhongli best build (Black Tassel) 

Genshin Impact Zhongli build Black Tassel
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Ang Black Tassel ay isang underrated weapon na maganda gamitin kasama ang elemental skill ni Zhongli. Ang 3-star polearm ay mayroong scaling HP% stat na maaring gawing unbreakable ang jade shield. 

Dagdag pa diyan, ang HP-based damage bonus ng Dominance of Earth ay maaring gamitin sa HP boost ng Black Tassel para gawing mas nakakamatay ang mga Planet Befall combos mo. 

Maari mong makuha ang Black Tassel weapon bilang isang secondary roll sa lahat ng event wishes na available. 

Burst Zhongli best build (Staff of Homa) 

Genshin Impact Zhongli build Staff of Homa
Credit: miHoYo

Ang Staff of Homa ang iyong go-to weapon kung gusto mo maging core ang Planet Befall sa playstyle mo. 

Ang refinement skill ng Staff of Homa, ang Reckless Cinnabar, ay nagpapataas ng HP nang 20% at nag-coconvert ng 0.8% ng max HP sa bonus attack, na ginagamit kasabay ng Dominance of Earth. 

Dahil sa mas matinding damage scaling at mas mabangis na critical damage sub stat, ang 5-star polearm na ito ay mas higit na sa Black Tassel sa pagbigay ng isang defensive ngunit nakakamatay na weapon para sa adeptus. 

Ang Staff of Homa ay unavailable ngayon sa Genshin Impact, ngunit maaring bumalik ito bilang isang featured weapon sa banner rerun ni Hu Tao. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa Genshin Impact. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Zhongli best build Genshin Impact guide: Best talents, artifacts, and weapons.