Kung gusto mong lumakas agad sa Solo Leveling Arise, kailangan mong alamin kung anong Sung Jinwoo stats ang dapat mong pokusan.
Sa Solo Leveling Arise, gaya ng sa manhwa at anime series, kaya ni Sung Jinwoo na mag-level up at palakasin ang kaniyang stats.
Krusyal itong mechanic sa laro dahil si Sung Jinwoo lamang ang may abilidad na gawin ito.
Kung gusto mong malaman kung anong stats ang dapat mong dagdagan, para sa iyo ang guide na ito.
ONE Esports guide sa best Sung Jinwoo stats sa Solo Leveling Arise
May limang Sung Jinwoo stats ang matatagpuan sa laro.
SUNG JINWOO STATS | DESCRIPTION |
Strength | Patataasin ang basic attack damage |
Vitality | Patataasin ang HP and defense |
Agility | Patataasin ang critical hit rate at damage |
Intelligence | Patataasin ang MP at cooldown reduction |
Perception | Patataasin ang precision (minimum damage dealt sa kalaban) |
Liban na lamang kung gusto mong gumawa ng unorthodox build, mahihirapan ka kung magpopokus ka sa pagpapalakas ng Vitality at Intelligence lalo na sa mas mataas na levels. Sa halip, magpokus ka sa Strength.
Bukod dito, mas mainam na i-master mo nalang ang Extreme Evasion mechanic kaysa dagdagan ang Vitality points.
Ang Agility naman, naaapektuhan ang critical hit rate at critical hit damage mo. Pero, maaari mo itong palakasin sa pamamagitan ng artifacts. Kaya naman, mas maigi pa rin magpokus sa ibang stats.
Pinakamagandang palakasin na Sung Jinwoo stats ang Strength at Perception. Parehong pinapalakas nito ang damage ng karakter.
Para sa mga bagito pa lamang sa laro, rekomendadong strength ang unang palakasin, pagkaraan ay ilagay sa 80% limit ang precision stats.
Maaari mong makita ang percentage sa pamamagitan ng pag-tap sa power tab na nasa kanang bahagi ng screen sa itaas ng weapons tab.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.