Kilala ang streamer na si Hector “Repullze” Torres dahil sa kanyang husay sa paglalaro ng Call of Duty: Warzone pero walang pumapansin sa kanyang angking galing bilang DJ—hanggang ngayon.

Kadalasang sinisimulan ni Repullze ang kanyang mga stream sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng mga kanta. Parang music festival na nga minsan ang datingan lalo na’t sinasamahan niya rin ito ng mga strobe lights.

Pre-game warm-up ni Repullze? I-hype ang fans

Pag nakiki-indak na ang kanyang mga viewers at nagsisimula nang dumagsa ang mga donations at subscriptions, ginagawang sampler ng streamer ang kanyang dashboard; nire-record ang ilang salita gamit ang microphone, saka ire-remix nang may background electronic music.

Sa clip na ito, maririnig niyo kung pano i-sample ng streamer ang mga katagang “tier three baby” at “killa” nang makatanggap siya ng donations mula sa iba’t-ibang viewers.

Bigyang pansin lang ang “STROBE WARNING” sa video.

May pa-LED mask pa ang streamer para kumpleto ang pormahang DJ

DJ Repullze
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Kinumpleto ng makulay na LED mask ang buong DJ getup ni Repullze sa kanyang stream.

A la Daft Punk at Marshmello, sinisigurado ni ng streamer na ang pakulo niyang ito ay para makapagbigay ng good vibes sa kanyang audience, bukod pa sa pag saludo sa kanila tuwing may magsu-subscribe o magdo-donate.

Maaaring tunghayan ang mga set ni ‘DJ Repullze” bago siya maglaro ng Call of Duty: Warzone sa kanyang opisyal na Twitch channel.