Sa mga console players, sungkitin niyo na ang oportunidad para sunali sa Zenless Zone Zero PS5 Technical Test.

Ang technical test na ‘to ang pagkakataon mo para maranasan ang action-packed role-playing game ng HoYoverse sa PlayStation 5.

Sa loob ng post-apocalyptic world na ‘to, suotin ang mga sapatos ni “Proxy” sa New Eridu, ang huling tanggulan ng sibilisasyon matapos ang sakuna na Hollows. 

Zenless Zone Zero PS5 Technical Test sign-up start at end time 

Para sumali sa beta testing, kailangan ng mga PlayStation 5 users ng 40GB na space at isang maayos na internet connection. 

Limited ang account access, walang payment options, at mayroong data deletion ang test na ‘to. 

Maaring mag-register ang mga players sa PS5 beta testing simula sa Miyerkules, Abril 10 sa 11 a.m. GMT+8 hanggang Miyerkules, Abril 17 sa 3 p.m. GMT+8. International ang test na ‘to, at bukas ito para sa lahat ng rehiyon kasama ang Europe, America, Asia, at TW, HK, MO. 

Manatiling updated sa eksaktong simula at pagtatapos ng test sa pamamagitan ng pag-follow sa social media accounts ng Zenless Zone Zero sa X at Facebook. 

TIME ZONE SIGN-UP START TIME SIGN-UP END TIME 
Singapore Time (SGT) April 10 at 11 a.m. SGT April 17 at 3 p.m. SGT 
Pacific Time (PDT) April 9 at 8 p.m. PDT April 17 at 12 a.m. PDT 
Eastern Time (EDT) April 9 at 11 p.m. EDT April 17 at 3 a.m. EDT 
Greenwich Mean Time (GMT) April 10 at 3 a.m. GMT April 17 at 7 a.m. GMT 

Paano mag-sign up para sa Zenless Zone Zero PS5 Technical Test 

Gaming Zenless Zone Zero PS5 Technical Test
Credit: HoYoverse
  1. Bisitahin ang Zenless Zone Zero PS5 Technical Test page. 
  1. Mag-log in sa iyong HoYoverse account. 
  1. I-fill out at ipasa ang test sign-up survey para makumpleto ang iyong registration. 


Matapos ang deadline ng sign-up, ipapaalam ng HoYoverse ang lahat ng Proxies na qualified para sa test via email. Alalahanin na bukas lamang ang test para sa mga users na 16 years old pataas. 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Zenless Zone Zero PS5 Technical Test FAQ page. 

Lalabas ang Zenless Zone Zero globally sa 2024 sa iOS, Android, PC, at PlayStation 5. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa mga bagong laro.

BASAHIN: Paano ayusin ang system integrity violation sa The Finals