Sa wakas ay dumating na ang vampire survival APRG na V Rising sa steam matapos itong lumabas bilang early access game ng halos dalawang taon.

Maraming adisyon ang nakita sa V Rising 1.0, partikular na ang colab nito sa Castlevania franchise ng Konami.

Gaming Rise of the Ronin
Credit: Team Ninja
Rise of the Ronin difficulty settings ipinaliwanag

Sandamukal na positibong reviews ang natanggap ng laro at patuloy itong tinatangkilik ng mga mahihilig sa vampire genre.

Kaya lamang, kung isa kang Xbox player, siguro ay nag-aabang ka din kung kailan ilalabas ang laro sa console.

Sa article na ito, hihimayin ng ONE Esports ang posbilidad na mailabas ang V Rising sa Xbox at kailan.

Release date ng V Rising sa Xbox

V Rising gameplay
Credit: Stunlock Studios

Sa pagkakasulat ng article na ito, wala pang kumpirmasyon mula sa Stnlock Studios ku g ilalabas ba ang V Rising sa Xbox. Ang sigurado lamang ay lalabas ito sa PS5.

Gayunpaman, sa isang panayam kasama ang Stunlock Studios, may binaggit ang developers tungkol sa posibilidad nito.

“Never tell me the odds. Or ask me to tell you the odds. Our top priority right now is ensuring the success of our upcoming launches on PC and PS5. We must dedicate our full attention to optimizing these releases to their highest potential before considering any future endeavors.”

Cloud with a Chocobo
Screenshot by Shreyansh Katsura/ONE Esports
Paano gamitin ang fast travel sa Final Fantasy 7 Rebirth

Ibig bang sabihin nito ay hindi na ilalabas din ang V Rising sa Xbox? Maaaring hindi, ngunit maasahan ng fans na hindi pa ito lalabas sa lalong madaling panahon.

Kung mangyayari man ito ay siguradong maganda itong adisyon sa Xbox Game Pass.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ano ang Emanators sa Honkai Star Rail?