Bago magsimula ang NBA Playoffs sa May 22, ang developer na Epic Games ay naghatid muli ng isang collaboration kasama ang Fortnite NBA event na ang tawag ay “The Crossover.”

Naghatid ng “NBA touch” ang The Crossover sa Item Shop at Fortnite Creative mode, at nag-introduce din ito ng panibagong experience sa Team Battles.

Magmukhang fresh off the court habang suot ang mga Fortnite NBA jerseys 

Tulad ng nakaraang Gridiron Gang Set ng Fornite na may NFL, naghatid ang Epic ng In The Paint outfit set, at may kasama nito ang lahat sa 30 NBA team jerseys.

Kung gusto mo ng mas makasulit sa iyong V-Buck, maari mong bilhin ang Shoot & Score pack na mayroong Hookshot emote, isang Dribblin’ traversal emote, at isang Mini Hoop Back Bling.

Magiging available ang In The Paint outfit set sa May 22, 8 a.m. GMT+8. 

Credit: Epic Games

Magmukhang hot sa mga personalized bundles na ito mula sa NBA players

Ipinakita ng mga NBA superstars na sina Donovan Mitchell ng Utah Jazz at Trae Young ng Atlanta Hawks ang kanilang mga personal fits habang tumatalon palabas ng Battle Bus.

Donovan Mitchell: 

  • Cozy Chomps Outfit 
  • Sharky Shawl Back Bling 
  • Stark Splitter Pickaxe 
  • Dynamic Fire Wrap 
  • Fire Spinner Emote 

Trae Young: 

  • Scarlet Commander Outfit 
  • Gold Digger Pickaxe 
  • Happy Stars Wrap 
  • Baller Emote 

Ang mga Fortnite NBA sets na ito ay magiging available bilang Player Locker bundles sa Item Shop.

Maaring I-representa ng mga players ang kanilang teams gamit ang Fortnite NBA Team Battles 

Papainitin ng The Crossover ang laro sa kanilang Team Battles, isang limang araw na kumpetisyon na nag-fifeature ng lahat ng 30 NBA teams.

Sa Team Battles, maaring irepresenta ng mga basketball fans ang kanilang teams sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga in-game challenge tasks at pagkuha ng points sa leaderboard.

Kung madadala mo at ang iyong kapwa fans ang team niyo sa tuktok ng leaderboards, makakuha kayo ng maraming rewards tulad ng V-Bucks at player cosmetics.

1st place: 500 V-Bucks at NBA Championship Trophy Back Bling 
2nd place: 300 V-Bucks 
3rd place: 100 V-Bucks 
Pagkumpleto ng limang Challenge Tasks: Fortnite Banner 
Pagkumpleto ng tatlong Challenge Tasks: Fortnite Spray 

Ang event na ito ay gaganapin sa May 19-23. Maari kang mag-sign up para magpakita ng suporta sa iyong team sa page ng official Fortnite NBA Team Battles.