Masusubukan ang tikas ng Neon Esports sa QH Sports Dota Series 2, isang online invitational tournament kung saan kalahok din ang ilan sa pinakamalalakas na koponan sa Southeast Asia, matapos ang mga pagbabago sa kanilang roster.

Inanunsyo ng koponan noong ika-25 ng Agosto ang pagpasok ni Ravdan “Hustla” Narmandakh upang punan ang position-four role na naiwan ni John Anthony “Natsumi-” Vargas. Kabilang ang Mongolian player sa Reality Rift noong 2019 na lumaro na sa DreamLeague Season 13 o Leipzig Major.

Neon Esports player: Hustla
Credit: Neon Esports

Tatlong araw matapos nito, isinapubliko naman ng organisasyon ang pag-alis ng kanilang carry na si Andrei “ctm” Ong. Malaki ang naging ambag ng naturang manlalaro sa 5th-6th place finish ng OB Esports x Neon noong ONE Esports Singapore Major 2021.

ex-Neon Esports player: ctm
Credit: Neon Esports

Ang roster ng Neon Esports para sa QH Sports Dota Series 2

Isa ang OB.Neon sa mga koponang maglalaro sa naturang turneo, kasama ang Army Geniuses, Execration, Galaxy Racer, M Y, Ragdoll, Team God, at Team SMG.

Ayon sa opisyal na website ng Oceanic Esports, ang organizer ng naturang palaro, ito ang roster ng OB.Neon na sasabak sa QH Sports Dota Series 2:

  • Eljohn “Akashi” Andales
  • Quirino “Qui” Gauden Rabino
  • Michael “Enryu” Roi Ladines
  • Ravdan “Hustla” Narmandakh
  • Jaunuel “Jaunuel” Arcilla

Kapansin-pansin na bukod kay ctm, missing-in-action din sa lineup ang kanilang midlaner na si Erin Jasper “Yopaj” Ferrer. Pinalitan ang dalawa nina Akashi at Qui, dalawang Pinoy player na kasalukuyang naglalaro para sa koponang Ground Zero.

Neon Esports: YopaJ
Credit: ONE Esports

Bagamat wala pa muling opisyal na pahayag ang organisasyon, maaaring asahan na magkakaroon pa ng mga pagbabago sa kanilang roster sa mga susunod na araw.