Ang bawat anime show at movie ay nakategorya sa iba’t-ibang genre base sa kaniyang storyline, characters, at tema. Kung baguhan ka sa mundong ito, nakarinig ka na siguro sa salitang “Shoujo Anime,” bilang isa sa mga genre. 

Iba ito sa mga genre na kadalasan nating nakikita, tulad ng Comedy at Action. Ano nga ba ang Shoujo Anime?  

Shoujo anime ipinaliwanag 

Anime Shoujo
Credits: NIS America

Para maintindihan ang ibig-sabihin ng genre, una nating intindihin kung ano ang ibig sabihin ng Shoujo. Sa Japanese, ang salitang Shoujo ay nangangahulugan sa isang bata, o babae, kaya ang Shoujo anime ay binuo para sa mga batang babae. Higit pa sa pagiging genre, isa rin itong demographic category ng anime. 

Mga halimbawa nito ay ang Ouran High School Host Club, Cardcaptor Sakura, Fruits Basket, at iba pa. 

Anime Ouran Highschool Host Club Funko Pop
Credit: Funko
VIEW PRICE: Funko Pop! Animation: 2 Pack Vinyl Figures – Kaoru Hitachiin and Hikaru Hitachiin

Habang target ng anime na ito ang mga batang babae na kadalasang nasa edad na 9 hanggang 19, hindi ibig sabihin ay hindi na pwede itong panoorin ng ibang mga kasarian o age groups. Sa katunayan, maraming mahilig manood nito kung nasa mood silang manood ng isang light-hearted na anime na patungkol sa pag-ibig. 

Ano ang hinahatid ng Shoujo anime? 

Anime Shoujo ipinaliwanag
Credits: Oracle Anime


Naghahatid ang Shoujo anime ng romance, comedy, at drama. Ngunit maari ka ring makakita ng fantasy o supernatural elements sa iilang mga ito. Kadalasang naka-pokus ang kwento sa emosyon, mga relationships, o sa personal growth ng mga characters, lalo na mga babaeng bida. 

Anime Fruits Basket Funko Pop
Credit: Funko
VIEW PRICE: Funko POP! Animation Fruits Basket Yuki with Rat

Kilala ang Shoujo anime sa kaniyang katangi-tanging art style, na gumagamit ng mga maliliwanag na kulay, sparkles, flowers at mga cute na disenyo.  

Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!   

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga storya tungkol sa paborito mong anime. 

BASAHIN: Bagong My Hero Academia movie at poster ipinakita ang evil All Might