Naghahanap ka ba ng paraan para makasubaybay ang astig na anime na Solo Leveling?

Gagabayan ka namin sa lahat nang iba’t ibang streaming platforms at services kung gusto mong malaman kung saan puwedeng manood ng ang sikat na anime.

Puno ng MMORPG mechanics at inilatag ang kwento sa modern-day Korea, ang anime ay nagtatahi ng mga elemento ng magic, monsters, at mga epic dungeon raid.

Kung gusto mong malaman pa ng higit ang tungkol sa video game world ni Sung Jin-woo, narito ang mga platforms kung saan mo puwedeng panoorin ang bagong anime.



Lima sa mga sikat na streaming platforms kung saan pwedeng manood ng Solo Leveling

Anime Solo Leveling
Credit: A-1 Pictures

Credit: A-1 Pictures

PLATFORM
Prime Video
Crunchyroll
Netflix
Aniplus TV
Bilibili Global

Pwede mong mapanood ang serye sa pamamagitan ng pag-subscribe sa Prime Video, Crunchyroll, o Netflix.

Ang mga buwanang presyo ng subscription ng Prime Video, Crunchyroll, at Netflix ay nag-iiba depende sa bansa ng iyong tirahan. Gayunpaman, maaaring mag-iba ang availability ng serye ayon sa rehiyon.

Ang Ani-One Asia YouTube channel ay nag-aalok ng simulcast ng anime at live viewing chat para sa mga miyembro ng channel. Puwede kang mag-apply para sa Ani-One Asia membership, na nagkakahalaga ng mga US$2, sa pamamagitan ng opisyal na YouTube channel.

Ang anime na ito ay ginawa ng A-1 Pictures at idinirek ni Shunsuke Nakashige, sa pagsusulat ng mga script ni Noboru Kimura, pagdidisenyo ng mga karakter ni Tomoko Sudo, at paggawa ng musika ni Hiroyuki Sawano.

Ang Solo Leveling ay unang ipinalabas noong January 7, 2024, sa Japan. Ang mga bagong episodes ng season 1 ay ipapalabas ng 12:30 a.m. GMT+8 | 8:30 a.m. PT | 4:30 p.m. GMT.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa anime. 

BASAHIN: Bleach Thousand Year Blood War Season 3 kumpirmado na – at malapit na itong dumating