Gumawa ng sarili mong Jujutsu Kaisen domain sa iyong kwarto sa pamamagitan ng mga super cute Jujutsu Kaisen Funko Pop figures na ito—available sa Amazon!

Naging vinyl collectibles na ang mga major characters ng sikat na serye, at bawat isa ay may unique na pose ayon sa kanilang ugali at kapangyarihan.

Nakuha ng Jujutsu Kaisen ang loob ng mga audience sa buong mundo dahil sa magandang istoriya tungkol sa friendship, sakripisyo, at iba pa. Kaya naman deserve nito ng isang collection ng Funko Pops.



Tignan ang Jujutsu Kaisen Funko Pop figures sa collection na ito 

Yuji Itadori gamit ang Black Flash 

Anime Jujutsu Kaisen Funko Pop Yuji Back Flash
Credit: Funko Pop, ONE Esports

Bilang vessel para kay Sukuna, pinaghahalo ni Yuji Itadori ang cursed energy sa kaniyang kaalaman sa martial arts para magdulot ng matinding Black Flash technique. Pag pinagsama mo ang dalawa, kaya nitong harapin ang mga espiritu na pumapalibot sa kanilang mundo.


Yuji Itadori gamit ang Divergent Fist 

Anime Jujutsu Kaisen Funko Pop Yuji Divergent Fist
Credit: Funko Pop, ONE Esports

Gawa ni Yuji mismo, ang “Divergent Fist” ay isang punching-based technique na humuhugot sa manipulasiyon ng cursed energy.  

Sa training niya sa ilalim ni Satoru Gojo, ibinunyag na ang cursed energy ni Yuji ay may kaonting time delay. Gamit ang kaniyang kakaibang characteristic, natutunan niya kung paano sumuntok gamit ang kaniyang mga kamay na pinalilibutan ng isang manipis na layer ng cursed energy, na magdudulot ng pangalawang wave ng cursed energy pagkatapos, para makadulot ng dalawang impact sa isang suntok.


Yuji Itadori na may Tsukamoto Doll (special edition) 

Anime Jujutsu Kaisen Funko Pop Yuji Tsukamoto Doll
Credit: Funko Pop, ONE Esports

I-relieve ang iconic scene na ito sa Jujutsu Kaisen season 1! 

Sa kalagitnaan ng kaniyang laban kay Jogo, umalis at hinanap ni teacher Satoru Gojo si Yuji. Pagdating niya sa basement, nakita niya ang kaniyang protégé na umuusad sa kaniyang training. Nalampasan niya ang mga expectations sa pamamagitan ng pagnood ng isang emotional movie habang kino-kontrol ang output ng cursed energy, na makikita mo sa natutulog niyang Tsukamoto Doll.


Yuji Itadori at Aoi Todo in 2-Pack series 

Anime Jujutsu Kaisen Funko Pop Yji Aoi
Credit: Funko Pop, ONE Esports

Isang komplikadong relasyon ang meron sina Yuji Itadori at Aoi Todo sa Jujutsu Kaisen story.  

Noong una, nagsimula sila bilang magkatunggali, matapos hinamon ni Todo si Yuji sa isang labanan pagdating niya sa Tokyo Metropolitan Jujutsu Technical High School. Ang mayabang na ugali ni Todo ay kontra sa mas reserbang ugali ni Yuji.  

Sa halip ng mga komprontasiyon nila, kapwa nila nire-respeto ang isa’t-isa dahil sa kanilang pagtutulungan para harapin ang mga kalaba. Nakikita ni Todo ang potensiyal ni Yuji bilang isang jujustu sorcerer at hanga siya sa kaniyang determinasiyon, habang nire-respeto naman ni Yuji ang lakas, skils, at kakaibang techniques ni Todo tulad ng “Boogie Woogie.”


Ryomen Sukuna na nasa throne of skulls 

Anime Jujutsu Kaisen Funko Pop Ryomen Throne of Skulls
Credit: Funko Pop, ONE Esports

Isang legendary at kinakatakutang nilalang si Ryomen Sukuna na may madilim na istoriya. Nagumpisa pa ang kaniyang origin 1,000 years na ang nakalipas, at dati siya’y isang kinakatakutang human sorcerer at warrior na may kahanga-hangang jujutsu abilities.

Ngunit ang kaniyang pagkauhaw para sa kapangyarihan ang naging rason sa kaniyang pagbagsak. Patuloy na umaaligid ang kaniyang espiritu kahit na namatay na siya, at kinalat ang kaniyang mga labi sa iba’t-ibang cursed artifacts na ang tawag ay “Sukuna’s Fingers.”

Si Yuji, isang key na bida sa season one ng anime, ay di namalayang nakain ang isa sa mga cursed fingers na ito, at dahil dito ay naging isang vessel siya ng espiritu ni Sukuna.


Megumi Fushiguro na may divine black dog 

Anime Jujutsu Kaisen Funko Pop Megumi Divine Dog
Credit: Funko Pop, ONE Esports

Si Megumi Fushigoro ang isa sa mga bida na ipinakilala sa Jujutsu Kaisen season one. Bilan isang first-year student sa Tokyo Metropolitan Jujutsu Technical High School, sabay siyang nag-training kasama ang mga kaklase niyang sina Yuji Itadori at Nobara Kugisaki, at naging magkaibigan sila.  

Specialty niya ang pag-summon sa Shikigami, mga hayop na espiritu na tumutulong sa kaniya tuwing labanan gamit ang Ten Shadows Technique. Nakita dito ang kaniyang itim na divine dog. Kaya niya mag-summon ng dalawang aso, kasama na ang isang puti pang aso.


Nobara Kugisaki gamit ang hammer at nails 

Anime Jujutsu Kaisen Funko Pop Nobara Hammer at Nails
Credit: Funko Pop, ONE Esports

Isang mahusay at madiskarteng fighter si Nobara Kugisaki. Pinaghahalo niya ang kaniyang cursed technique sa isang street-smart na ugali para malabanan ang mga cursed spirits. Sa serye, nakita ang kaniyang determinasiyon at kalakasan para sa hustisya, na makikita sa kaniyang mga facial expression sa Jujutsu Kaisen Funko Pop figure na ito.  

Humahawak ng isang metal na hammer si Nobara na may puso, na ginagamit niya para tirahin ang mga kalaban sa close range. Ginagamit niya rin ito para magdulot ng mga pakong may cursed energy gamit ang Straw Doll technique.


Nobara Kugisaki gamit ang kaniyang signature move Resonance

Ang hammer at nails ni Nobara ay nagsilbing isang importanteng aspeto sa pag-activate ng kaniyang Resonance technique, kung saan pinapako niya ito sa isang imahen ng kaniyang target.  

Ang technique na ito ay nagsisilbi para mapigilan niyang makatakas ang mga curse sa pamamagitan ng pagbuo ng koneksiyon sa kaniyang straw doll. Ang resulta ay kaya niyang mag-exorcise mula sa kahit anong lokasyon, epektibo para sa mga malilikot na kalaban.  

Sa kaniyang konprontasiyon kina Eso at Kechizu sa dulo ng season one, nalason si Nobara ng Rot Technique Decay na makikita sa Jujutsu Kaisen Funko Pop figure. Ngunit ginawa niya itong advantage. Sa pamamagitan ng pagpako ng sarili gamit ang kaniyang mga cursed nails, nakadulot siya ng damage sa kaniyang mga kalaban.


Suguru Geto

Anime Jujutsu Kaisen Funko Pop Suguru Geto
Credit: Funko Pop, ONE Esports

Isang dating kaibigan at classmate ni Satoru Gojo si Suguru Geto sa Tokyo Metropolitan Jujutsu Technical High School.  

Dahil sa isang serye ng mga pangyayari sa Jujutsu Kaisen season two, naging kontrabida si Suguru, matapos siyang kumampi sa mga cursed spirits na gustong buuin muli ang mundo sa pamamagitan ng pagpatay sa lahat ng tao. Mapapanood mo ang konklusyon ng mga pangyayaring ito sa Jujutsu Kaisen 0 movie.  

May galit siya sa mga non-sorcerers, at tinatawag niya itong mga “monkeys.” Naniniwala siya na superior race ang mga sorcerers at sila ang susunod na henerasyon ng human evolution.


Satoru Gojo gamit ang Domain Expansion hand sign 

Anime Jujutsu Kaisen Funko Pop Satoru Gojo
Credit: Funko Pop, ONE Esports

Si Satoru Gojo ang kilala bilang world’s strongest sorcerer, nalampasan pa ang King of Curses mismo na si Sukuna.  

Taglay ng isang malaking reservoir ng cursed energy, isa siyang kakaibang prodigy na pinanganak na may parehas na Limitless at Six Eyes na abilidad, isang kombinasyon na hindi nakita sa isang daang taon.

Sa Jujutsu Kaisen Funko Pop figure na ito, ginagamit niya ang kaniyang Domain Expansion hand sign, na ibinunyag sa season one, episode seven sa kaniyang laban kay Jogo.  

Nagsilbi siya bilang isang mentor at tagapagtanggol. Ang kaniyang lakas at ang ugali niya ay naging isang pokus sa serye.


Mahito 

Anime Jujutsu Kaisen Funko Pop Mahito
Credit: Funko Pop, ONE Esports

Isang sentral na kontrabida si Mahito sa Jujutsu Kaisen, matapos siyang kumampi sa pseudo-Geto bilang isang unregistered special-grade cursed spirit.  

Pinangunahan niya ang isang grupo ng cursed spirits, at ang kanilang kolektibong ninanais ay ang pagpatay sa buong humanity para masakop ng mga cursed spirits ang mundo.  

Naninila siya na siya ang sagisag ng galit ng humanity mula sa mga kasalanan nila, masama ang tingin ni Mahito sa mga tao at nais niya itong linisin.  

Isang patchwork ang kaniyang trademark look na may heterochromia, kung saan ang kaliwang mata niya ay dark blue at ang kaniyang kanang mata ay grey, na makikita mo sa Jujutsu Kaisen Funko Pop figure na ito.  

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Jujutsu Kaisen at iba pang anime.

BASAHIN: Domain Expansion ng Jujutsu Kaisen maaaring masubukan sa Universal Studios!